Iniiwan Ba Talaga ang Lahat Para sa Diyos?

25 Mayo 2010. Martes ng ika-8 Linggo ng Pagkabuhay
1 Peter 1, 10-16; Psalm 98; Mark 10, 28-31


Wika ni Pedro, “Iniwan namin ang lahat para sumunod kayo.” Anong ibig sabihin ng “iiwanan” pati magulang, anak, ari-arian? Tinuturo ni Hesus, na bagaman mahalaga ang ating mga ugnayan sa ating kapamilya at kapuso, hindi ito makahadlang sa pagsunod natin kay Hesus. Halimbawa, maraming kapamilyang nagiging hadlang sa pagiging makatarungan lalo na kapag kamag-anak ang nasa kamalian. Marami ding mga magulang ang naging hadlang sa mga bokasyon ng kanilang mga anak. Mas nananaig ang kahalagahan ng negosyo o ng praktikal na pangangailangan.

Ngunit, ang “umiwan” magkakaroon ng mas maraming kapamilya at kapuso. Mas dumadami ang kanilang kaibigan at kakilala. Kahit hindi sila kadugo at hindi kapalit ng kapamilya, nagiging kasama na rin sila sa pamilya at komunidad. Dumadami ang tunay na kaibigan sa mga taong mabuti at tunay na nagsisilbi sa Diyos at bayan.

4 comments:

Chris Ibarra said...

Nakalimutan po ninyo na banggitin kung ano ang mangyayari sa “umiwan” ng kanilan mga yaman at ari-arian para “sumunod kay Hesus”. Kanino ba dapat iwanan ang mga bagay na ito sa simbahan, sa pamahalaan? Sabihin na natin na walang kayamanan ang sumunod kay Hesus, paano siya mabubuhay?
Maraming mga paupahan ang hindi tumatanggap ng dahilan na ako ay “tagasunod” ni Hesus. Ang mga palengke ay hindi rin tumatanggap ng ganitong mga dahilan. Kung hindi mahalaga ang salapi, bakit dalawang ulit manghingi ng limos ang simbahang katoliko? Ang katotohanan ay ang mga itinatag na relihiyon ay tulad ng mga negosyo na kumikita galing sa mga bulsa ng mamamayan. Mga mamamayan na linilinlang ng mga tumatawag sa sarili nila na “pastol”.

Jessel Gerard M. Gonzales SJ said...
This comment has been removed by the author.
Jessel Gerard M. Gonzales SJ said...

Hi Chris!

Iniwan ko na po ang aking ari-arian bago ako pumasok. Ang aking mana ay maaawing iiwan sa pamilya, o kaya i-donate sa ibang nangangailangan.

Ang salapi ay mahalaga. Pero kung gagamitin ito sa tamang paraan: halimbawa, sa iyong ikabubuhay (kaya dapat na may pera ka pa rin para sa iyong pagkain); sa pangangailangan ng mahirap (kaya pwedeng maghingi para sa isang proyekto tulad ng sa simbahang katoliko). Sa ibang relihiyon, may tithing (10% of their income to their church), pero sa Simbahang Katoliko, wala. Kaya maraming simbahang mahihirap.

Ibig sabihin, kapag "INIWAN" ibig sabihin, detachment. May mas mahalaga sa salapi, kaya kung meron kang pera, ginagamit ito sa tamang paraan.

Bakit dalawang koleksyon. Ang unang koleksyon may pinaglalaanan: para sa mahihirap, sa pamamalakad ng simbahan (hindi ka pwedeng magtayo ng isang institution na walang budget, common sense). At kung may wala sa budget, tulad ng natural disasters, pwedeng magsecond collection.

Kaya suggestion ko sana sa iyo: makinig sa announcement kung para saan gagamitin ang koleksyon. Pangalawa, huwag kang magbigay kung ayaw mo. HIndi ka namin pinipilit. Sa ibang relihiyon, pipilitin ka kasi requirement ang 10%. Kasi gusto namin, pagkukusa.

Hindi ka rin naming pinipilit maging Katoliko. Pwede kang lumipat. At hindi kami magagalit, o mararamdaman ang iyong pagalis. Kasi, PAGKUKUSA.

At kung hindi tama ang pinupuntahan ng donasyon ng tao sa pamahalaan, sa Diyos, o kung saan ito DAPAT (intention of the donor is respected), hindi din ako sang-ayon.

Chris Ibarra said...

Makitid ang pag iisip na ang tugon ay sumapi ka sa ibang relehiyon o di sapilitan ang pag alay ng limos.
Inilalaan nga ba sa mahihirap ang mga limos na ito? Mali ba na punahin na may mga relehiyon, di lamang katoliko na ang hangad ay salapi at yaman ng mga sumasampalataya, na ginagamit ang mga salita mula sa bibliya? Kung hindi mali ang inyong gawain at tunay kayong naglilingkod sa tao at diyos, bakit kayo nagagalit?   
Kailangan bang itakwil ang mga taong mamumulat sa mga katotohanan at pumupuna sa mga nasasaksihang kamalian ng simbahan o pamahalaan?