Ang Pamamaalam ni Hesus

16 Mayo 2010. Pag-Akyat ng Panginoon
Acts 1, 1-11; Psalm 46; Eph 1, 17-23; Lucas 24, 46-53


Pinahihiwatig ng Panginoon sa kanyang pag-akyat sa langit ang pagtatapos ng Kanyang misyon sa lupa. Tinipon niya ang kanyang mga alagad, nagpaalam, itinaas ang kanyang kamay at binasbasan sila. Habang binabasbasan niya, humiwalay siya sa kanila at umakyat sa langit.

Hindi lamang isang katapusan ang kanyang pamamaalam, kundi isang simulain. Simula ng bagong buhay---- sa naglalakbay at sa naiiwan. Taglay ng bawat isa ang pagkakaibigan at pag-iibigan. Taglay ng bawat isa ang Diyos na kasama sa lahat ng panahon. Sabi ni San Pablo, “Sa buhay man o kamatayan, walang makapaghihiwalay sa atin, sa pag-ibig ng Diyos” (Rom 8: 38,39). Hindi nakapagtataka na ang mga alagad ni Hesus ay nagbalik sa Jerusalem, taglay ang malaking kagalakan. Palagi sila sa templo at doo’y nagpupuri. Sino ang hindi natutuwa kapag may nagmamahal sa atin, at mayroon tayong minamahal?

No comments: