15 Mayo 2010. Sabado ng ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 18, 23-28; Psalm 47; John 16, 23-28
Galing sa Ama si Hesus, kaya iiwanan na niya ang mundo pabalik sa Ama. Namamaalam na si Hesus. May ibig sabihin ang salitang, paalam: may pina-aalam o may iniiwanang salita. Sino ba sa atin ang hindi nakaranas ng pamamaalam na hindi nasaktan o naramdaman ang kalungkutan nang iniwanan?
Sa paglisan, pinapaalam na kinikilala natin na ang Diyos kasama sa paglalakbay: God be with you – goodbye. Huwag matakot, sinasabi natin sa taong lilisan na hindi siya mag-iisa dahil kasama mo ang Panginoon. Sa paglisan, pinapaalam din natin sa taong aalis na mahalaga at mahal natin siya. Sinasabi natin na hindi natin sila mapipigilan dahil higit makakabuti ito sa kanila. Ngunit sa kanilang paglayo, pinapaalam natin na taglay nila sa kanilang puso ang ating pagmamahal.
No comments:
Post a Comment