Handa Ka Bang Ibigay ang Lahat Para sa Mahal Mo?

14 Mayo 2010. Biyernes ng ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Acts 1, 15-26; Psalm 113; John 15, 9-17


Walang pagmamahal na hihigit pa sa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa kanyang mga kaibigan, wika ni Hesus. Ibig sabihin, itinataas natin kaysa ating sarili ang mga taong tinatangi ng ating puso. Dahil dito, handa nating isantabi ang ating pansariling pangangailangan alang-alang sa kanila.

Maliban sa mga taong kilala tulad ng mga bayani at banal, maraming mga tao sa kasaysayan ng ating buhay ang nagsikap upang marating natin ang ating mga pangarap. Araw-araw na isinasaalang-alang ng mga magulang ang kapakanan ng kanilang mga anak. Madalas ipinamamalas ng isang kaibigan ang kanilang pag-aaruga sa kapwa kaibigan kung may dinadala itong problema sa buhay. Maraming mga doktor o nars ang nagkusa sa gitna ng digmaan upang alagaan ang mga nasugatan. Handa ba tayong ibuwis ang ating buhay alang-alang sa Diyos at kapwa?

No comments: