Marunong ka pa bang ituring banal ang simbahan?

28 Mayo 2010. Biyernes ng ika-8 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
1 Peter 4, 7-14; Psalm 96; Mark 11, 11-26


Isang bahay-dalanginan ang simbahan. Mahalagang hindi makalimutan ng lahat na para sa pagdarasal sa Panginoon ito. Nakapaligid sa maraming simbahan ang iba’t ibang tindahan ng mga kandila at iba’t ibang magagamit sa pagdarasal tulad ng mga rosario at nobena. Ngunit kung nagiging parang palengke ang simbahan, nawawala ang tunay na layunin nito, makatarungan lang na huwag hayaang mangyari ito.

Hindi lamang sa mga pangangalakal sa paligid ng simbahan nakikita ang respetong iginagawad natin sa bahay ng Diyos. Kasama dito ang ating pag-uugali sa loob ng simbahan. Maraming magkasintahang ginagawang tagpuan ang simbahan. Maraming maiingay na nakakadistorbo sa nananalangin. Hinihingi sa loob ng simbahan (at sa labas) ang magandang asal at kaugalian. Paano ba natin tinuturing banal ang bahay-dalanginan?

*Hindi lamang Katolikong simbahan ang pinag-uusapan natin. Kasama na dito ang iba't ibang bahay-dalanginan ng iba't ibang uri ng pananampalataya. Kung Katoliko kang tunay, kahit mapunta ka sa ibang simbahan, ituturing mo pa ring banal ang lugar.

1 comment:

Pedro P. Damaso said...

Lahat po ng inyong nabangit bukod sa isa ay di kanais nais na nangyayari sa mga simbahan. Ngunit mas hindi makatarungan ang pagpuna sa mga mangangalakal na ang layunin lamang ay kumita sa tamang paraan. Sa paningin ng Diyos, walang masama at makatarungan ang ganilang ginagawa. Ito ay hindi makatarungan lamang sa mga may tinutuluyan na maayos, malinis na higaan, kaaya-ayang paligid, malinis at magandang pananamit, at mga inihandang pagkain sa oras ng maramdaman ang kanilang gutom.

Masasabi mo na bakit hindi nila dalhin sa palengke ang kanilang mga paninda? Alam nyo po ba kung gaano kamahal ang umupa ng banketa sa palengke? Madaling pumuna at husgahan na hindi “makatarungan” ang ginagawa ng ibang tao, dahil ang humuhusga ay maayos ang pamumuhay.
Dinadahilan na sagabal sa mga “nananalangin” sila dahil ang katotohanan ay masagwa sa paningin ng mga taong tunay nakatira sa mga tinatawag nilang “bahay ng Diyos”.