Amos 5, 14-24; Psalm 50; Matthew 8, 28-34
Hindi madaling gamutin ang nasasaniban ng masamang espiritu. Sumisigaw at nangingisay ang dalawang lalaking inaalihan ng demonyo. Napakabangis nila kaya walang dumadaan doon. Ngunit hindi natakot si Hesus. Kinausap niya ang dalawang lalaki, pinaalis ang mga demonyong umangkin sa kanila. Sa kabila ng lahat ng takot, nanaig ang pagmamahal ng Diyos sa dalawang nahihirapan na dahil sa mga demonyong iyon.
Sa ating buhay, iba’t ibang klase ang mga umaalihan sa atin, mga “demonyo” sa ating buhay. Sumasaging lagi sa ating alaala tulad ng mga pangyayaring hindi natin gustong balikan pa. Minumulto tayo ng mga gawaing pinagsisihan natin sa nakaraan. Makakatulong sa ating lunas kung haharapin natin ito sa tulong ni Hesus na higit na makapangyarihan sa anumang demonyo sa ating buhay.

No comments:
Post a Comment