29 Hunyo 2010. Peter and Paul. Miyerkoles ng ika-13 Linggo ng Taon
Acts 12, 1-11; Psalm 34; 2 Tim 4, 6-18; Matthew 16, 13-19
May isang napakahusay na karpintero na labis na kinalulugdan ng kanyang kumpanya. Dumating ang panahon ng kanyang pagreretiro. Sinabi ng may-ari na bago siya lumisan, gumawa siya ng isang pang bahay. Dahil nawala na ang kanyang gana, hindi niya minabuti ang kanyang proyekto. Nang naitayo na ang bahay, dumalaw ang may-ari sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang isang susi. Wika niya, “Sa iyo ang bahay na ito.” Labis ang kanyang pagsisisi. Kung alam lang niya na kanya itong bahay, sana ginalingan niya ang paggawa.
Araw-araw, pinapanday natin ang ating buhay. Pinapako natin ang magiging dingding. Itinatayo natin ang maging haligi ng ating bahay. Ganito din ang ating pananampalataya: kailangang alagaan at galingan. Upang sa pagdating ng unos sa buhay, hindi ito matutumba sa tatag ng pundasyon.
No comments:
Post a Comment