7 Hunyo 2010. Lunes ng ika-10 na Linggo ng Taon
1 Kings 17, 1-6; Psalm 121; Matthew 5, 1-12
Pinapahalagahan ni Hesus ang mga bagay na kinamumuhian ng mundo. Ang pagkakaroon ng diwa ng dukha, ang di-marahas, ang nagugutom sa katarungan, ang maawain at ang may busilak ng puso. Samantalang ang salungat nito ang itinataas ng mundo. Balang-araw luluhod din ang mga tao sa atin dahil higit na maykaya, kilala at makapangyarihan tayo. Sa lahat ng ito, itinataas natin ang ating sarili batay sa kinikilalang higit na mahalaga sa mundo.
Ngunit ang daan sa mapalad na buhay ang siyang daan ni Kristo. Ang hindi mapagmataas ang siyang nagkakaroon ng maraming tunay na kaibigan. Ang mabait, mapagunawa at may respeto sa dangal ng tao ang walang bumabagabag sa kanyang konsensiya. Nananatiling mapayapa ang kanyang puso at diwa.
No comments:
Post a Comment