May Kuwenta Ka ba?

8 Hunyo 2010. Martes ng ika-10 na Linggo ng Taon
1 Kings 17, 7-16; Psalm 121; Matthew 5, 13-16


Walang nagkakagusto sa pagkaing walang lasa. Walang gaganahang kumain sa ulam na walang asin. Nagbibigay ang asin ng sigla sa hapagkainan. At ang nababad sa asin, nananatiling sariwa. Panglawa, walang kuwenta ang lamparang walang ilaw o ang lamparang nakatago na lamang. Hindi nito matatanglawan ang nasa kadiliman.

Nilikha ang ating buhay upang ito’y magamit sa paglilingkod sa kapwa. Maaaring nagbibigay sigla ang ating buhay. Maaari rin itong isang inspirasyong na nagpapakulay sa mundo ng mga nawawalan ng gana at tigang ang diwa. Sa pamamagitan ng ating mga kakayahan at pag-uugali, isinasalamin natin ang pagmamahal ng Diyos. Sa pamamagitan ng ating buhay, nagiging gabay tayo sa mga taong napariwara at naglalakbay pa rin sa dilim.

No comments: