Hindi Magkasing Halaga ang Lahat ng Batas

9 Hunyo 2010. Miyerkoles ng ika-10 ng Linggo ng Taon
1 Kings 18, 20-39; Psalm 16; Matthew 5, 17-19


Hindi lahat ng batas magkasing-halaga. May mga alituntunin na mabisa lamang sa paligsahan. Mayroon ding kautusan para isang samahan o ordenansa para sa isang maliit na lalawigan. May mga kautusang-bayan tulad ng Saligang Batas na sakop ang lahat ng Pilipinas. At may mga batas naman na kinikilala at nirerespeto ng buong sanlibutan tulad karapatang-pantao. Sa ebanghelio ngayong araw, tinutukoy ni Hesus ang Batas na higit sa lahat ng batas: ang kautusang mahalin ang Diyos higit sa lahat, at kaakibat nito ang pagmamahal sa kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Hindi kailanman magbabago itong pinakamahalagang Kautusan ng Diyos.

Sa pagkakataong nagtutungali ang Batas ng Diyos sa pansariling pangarap at pagpapahalaga, alin ang nananaig? Nakakalimutan ba natin na mas higit ang Batas ng pag-ibig kaysa ating mga pinagkakaabalahan?

No comments: