10 Hunyo 2010. Huwebes ng ika-10 na Linggo ng Taon
1 Kings 18, 41-46; Psalm 65; Matthew 5, 20-26
Usong-usong kasalanan ang tatlong pag-uugaling lilitisin ng Panginoon: ang mga nagagalit, nanunuya, at nanghihiya sa kanyang kapatid. Madalas itong ginagawa kaya halos nagiging parte na ng ating pagkatao. Nagiging natural na sa atin. Dahil dito, sanay na tayong nagagalit at sanay na rin ang ibang tao sa ating pagiging mabagsik sa gawa at pananalita. Nagiging sanay na rin tayong maging mapagmataas kaya hindi na natin namamalayang minamata na natin ang ating kapwa sa pananalita at pakikitungo sa kanila.
Ngunit pinapaalala ng Panginoon na higit na mahalaga sa Kanya ang pakikipagkasundo sa mga taong may hinanakit sa atin kaysa pagsamba sa altar ng Diyos. Higit na mabisa ang pananariwa muli ng mga ugnayang nabahiran ng sama ng loob kaysa anumang pag-aalay sa altar ng Diyos.
No comments:
Post a Comment