5 Hunyo 2010. Sabado ng ika-9 ng Linggo ng Taon
2 Tim 4, 1-8; Psalm 71; Mark 12, 38-44
Sanay tayong isipin na ang mga mayayaman ang siyang maaaring magbigay ng mas higit pa kaysa atin. Malaking donasyon ang maiaabot ng mga maykaya. Natural na isipin na ang mga may sobra ang maaaring pumuno sa walang-laman na sobre. Ngunit, iba ang panananaw ni Hesus: ang walang-wala tulad ng balo ang siyang makakapagbigay na mas higit, dahil ang pinakamahalaga ang ibinubuwis nito. May kakabit na sakripisyo ang pagbubukaspalad. Buong-buo pagbibigay ang hamon ng Panginoon natin.
Kung magpakatotoo tayo sa ating sarili, alam nating hindi lubos at ganap ang ating pagbibigay ng sarili sa anumang tao or sa Diyos. Madalas sinasabi na kailangang tumira ng kahit konti para sa sarili sa pagmamahal; kung sakasakaling masaktan, may natira pang para sa atin. Anong bahagi ng ating buhay ang hindi pa handang ganap na ibuwis?
1 comment:
I found peace, joy and happiness by loving myself and giving myself the attention I normally give to everybody. I was usually last on the list, making others happy, putting family, daughter, friends and community as priority over my needs. Guess what, it doesn't work.
Love is expansive. There is enough for everyone especially me. So, everything is cool, in my universe. I really do not subscribe to the idea of all or nothing. Expand your reach, we can all be covered by Love.
Post a Comment