Paano Ka Ba Dumudulog sa Diyos?

17 Hunyo 2010. Huwebes ng ika-11 Linggo ng Taon
Sir 48, 1-14; Psalm 97; Matthew 6, 7-15


Nagpaturo manalangin ang mga alagad kay Hesus. At dahil dito, matututo rin tayo ng isang paraan ng panalangin. Hingil na Diyos at sa kaluwalhatian Niya ang unang parte ng Ama Namin. Binibigyan ang Diyos ng higit na importansiya at bago ang lahat nating personal na pangangailangan, itinataas natin ang ating puso’t kaluluwa sa kanya. Higit sa lahat, ang kalooban ng Diyos ang masusunod at hindi ang ating kagustuhan. Pangalawa lamang dito ang ating pang-araw-araw na kahilingan. Kasama nito ang ating ikinabubuhay na sinasagisag ng tinapay; pagpapatawad upang maihain ang sa Diyos ang ating nagdaan; at kaligtasan upang ipapasa-kamay ng Diyos ang ating hinaharap.

Paano ba tayo dumudulog sa Diyos? Ano ang una nating sinasambit sa kanya? Sino ang nais nating manaig: ang ating kalooban o ang Diyos?

2 comments:

Peter P. Damaso said...

Paano nga ba ang dumulog sa Diyos? Nakikinig nga ba siya o pinababayaan na mag dusa ang mga taong nangagailangan ng tulong? Kung kalooban nga Diyos ang masusunod bakit kailangan pang magdasal?

Ang mga nagsasabi na “kalooban ng Diyos” ang dapat masunod ay ang mga taong nasa karangyaan at mga nagpapakilalang pastol na nakatago sa kani-kanilang palasyo. Nililinlang ng mga taong ito sa tunay katotohanan na nasa kanilang kamay ang kinabukasan at ang kanilang kapalaran.
Marami rin ang gumagamit ng mga salitang “kaligtasan” para ipagpatuloy ang kanilang mga pag samba at maging sunod-sunoran ang mga ito, sa pag aakalang sila ay maliligtas sa sinasabi nilang
“kabilang buhay”.

Unknown said...
This comment has been removed by the author.