The Proof of Faith

1 July 2010. Thursday of the 13th Week in Ordinary Time
Amos 7, 10-17; Psalm 19; Matthew 9, 1-8


During the time of Jesus, people believed that our illnesses were caused by sins. Sickness was God’s way to exact retribution on those who did not follow His will. The first reading illustrated this belief. The prophet Amos proclaimed to the people of Israel that if they disobeyed God, they would be punished. King Jeroboam would die by the sword. The wife of Amaziah, the priest of Bethel, would be made a harlot and his children would also perish. Amaziah’s land would be divided and he would die in an “unclean” hand. And Israel would be exiled. Amos’ prophesies, as we all know today, came true.

To prove that he was authentic, Amos defended himself. He said that he did not belong to the company of prophets. He was a shepherd and a “dresser of sycamore trees.” He did not intend to be a prophet, yet God called him to be his spokesperson. His obedience to God, despite his background, was proof of his sincerity.

To prove that He could forgive sins, Jesus healed the paralytic on a stretcher by making him walk. If one’s disability was caused by sin; therefore the forgiveness of his sins would restore him to health.

But no matter the proof, those who refuse to believe were not convinced.

Some things do not change today. We refuse to believe people who tell us the painful truth. Children tell parents how marital conflicts affect them. But parents often disregard their feedback. Our friends tell us the truth about ourselves and how people are hurt by what we say; but instead of addressing the issue, we attribute it to our traumas and psychological hurts. We therefore do not listen, and often doubt their motivations.

If misfortunes happen, it is not willed by God; not a punishment from God. It is a result of either our decisions or other people’s decisions which affect us.

We often forget that the proof of their sincerity is the very act of telling us the truth, no matter how painful it is. Real friends do not hide the truth from us and seek the right time when we’re ready to listen to them. Friends who please us all the time are not authentic. The proof of our love is seen in our loving. The proof of concern for another is manifested in our effort to help others become better people. The lives of people who lived and died for the faith and found Christ's teachings normative in their lives are the proof of faith. That is why the myriads of Christian martyrs are proof enough; we call them, the cloud of witnesses.

Anong demonyong meron ka?

30 Hunyo 2010. Mga unang martir ng Banal na Sambayanan ng Diyos sa Roma. Huwebes ng ika-13 Linggo ng Taon.
Amos 5, 14-24; Psalm 50; Matthew 8, 28-34

Hindi madaling gamutin ang nasasaniban ng masamang espiritu. Sumisigaw at nangingisay ang dalawang lalaking inaalihan ng demonyo. Napakabangis nila kaya walang dumadaan doon. Ngunit hindi natakot si Hesus. Kinausap niya ang dalawang lalaki, pinaalis ang mga demonyong umangkin sa kanila. Sa kabila ng lahat ng takot, nanaig ang pagmamahal ng Diyos sa dalawang nahihirapan na dahil sa mga demonyong iyon.

Sa ating buhay, iba’t ibang klase ang mga umaalihan sa atin, mga “demonyo” sa ating buhay. Sumasaging lagi sa ating alaala tulad ng mga pangyayaring hindi natin gustong balikan pa. Minumulto tayo ng mga gawaing pinagsisihan natin sa nakaraan. Makakatulong sa ating lunas kung haharapin natin ito sa tulong ni Hesus na higit na makapangyarihan sa anumang demonyo sa ating buhay.

Paano mo pinapanday ang Iyong Buhay?

29 Hunyo 2010. Peter and Paul. Miyerkoles ng ika-13 Linggo ng Taon
Acts 12, 1-11; Psalm 34; 2 Tim 4, 6-18; Matthew 16, 13-19

May isang napakahusay na karpintero na labis na kinalulugdan ng kanyang kumpanya. Dumating ang panahon ng kanyang pagreretiro. Sinabi ng may-ari na bago siya lumisan, gumawa siya ng isang pang bahay. Dahil nawala na ang kanyang gana, hindi niya minabuti ang kanyang proyekto. Nang naitayo na ang bahay, dumalaw ang may-ari sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang isang susi. Wika niya, “Sa iyo ang bahay na ito.” Labis ang kanyang pagsisisi. Kung alam lang niya na kanya itong bahay, sana ginalingan niya ang paggawa.

Araw-araw, pinapanday natin ang ating buhay. Pinapako natin ang magiging dingding. Itinatayo natin ang maging haligi ng ating bahay. Ganito din ang ating pananampalataya: kailangang alagaan at galingan. Upang sa pagdating ng unos sa buhay, hindi ito matutumba sa tatag ng pundasyon.

Pinagpaliban mo ba ang pagmamagandang-loob?

28 Hunyo 2010. San Ireneo. Lunes ng ika-13 Linggo ng Taon
Am 2, 6-16; Psalm 50; Matthew 8: 18-22

Madaling magsabing susundin natin si Hesus. Ngunit hindi ito napapatupad. Lalung-lalo na sa mga gawaing espiritual, bigla na lamang tayong nangangakong maglingkod ng mahusay o baguhin ang isang paguugali. May mga oras na nais nating purihin ang isang tao dahil sa kanyang kahusayan o ipadama ang ating pakikiramay sa isang kaibigan. May mga sandaling nais nating pagsabihan ang isang kaibigan. Sa kasawingpalad, pinapaliban natin ito dahil kinukumbinsi natin ang ating sarili na may iba pang pagkakataon. Dinadahilan natin ang ating trabaho, gawain sa bahay atpb.

Sa gayon, hindi na ito nagaganap o napanis na ang panahon sa pagmamagandang-loob. Pagdasal natin na hindi natin papakawalan ang mga pagkakataong magpakabanal.

Take Another Road


27 June 2010 13th Sunday in Ordinary Time
1 Kings 19, 16-21; Psalm 16; Gal 5, 1-13; Luke 9, 51-62


I found a story from the book, The Best of Bits and Pieces, compiled and edited by Arthur F. Lenehan:

An apple grower had built up a good mail-order business and was justifiably proud of his product. His apples were wonderful --- crisp, juicy bright red, and shiny as a carefully polished brass rail. His customers came to expect only the best in taste and appearance.

Then one year a hailstorm occurred just before the harvest. Nearly every apple was marred by hail.

The apple grower had thousands of orders and checks, and his customers were fully expecting baskets and boxes of his bountiful fruit for the holiday season. He had a problem. If he sent out the pockmarked fruit he would have thousands of dissatisfied customers and his business would suffer --- perhaps even dry up.

The problem was in the appearance of the apples. How could he turn this liability into an asset?

The fact was they tasted great. The taste was better than normal because cold weather improves the flavor of apples when they’re approaching ripeness. So the grower decided to fill the orders he had. But with each shipment he enclosed a card that said, “Note the hail marks that have caused minor skin blemishes on some of these apples. They are proof of their growth at a high mountain altitude where the sudden chills from hailstorms help firm the flesh, develop the fruit sugars, and give these apples their incomparable flavor.”

Nobody sent the apples back. And the next year, the apple grower got orders with many notes expressing a preference for hail-marked apples rather than unblemished ones.

In the Gospel, Jesus passes through Samaria, the easiest way from Galilee to Jerusalem, his final destination. But the Jews avoided it because of centuries-old rift with the Samaritans. The Samaritans employed all means to prevent pilgrims who would pass through their land to Jerusalem. As expected, Jesus was rejected. So, James and John were angry at the Samaritans, except Jesus. Jesus just took another route.

The apple grower and Jesus were presented with difficulties in reaching their goals. The solutions to their problems were similar but wise. They just took a different road. Often, difficulties block the road to our goals. Sometimes the best solution is not to curse the difficulty like James and John, but to use another approach like the apple grower or simply, just take another way.

PS. And Elisha in the first reading did the same thing. Like his mentor, Elijah, Elish took the route of the prophet. That vocation is one of the road less traveled. Perhaps, it is also your road.

Ang Puwang Para sa Kaaway

27 Hunyo 2010. Ika-13 Linggo ng Taon
1 Kings 19, 16-21; Psalm 16; Gal 5, 1-18; Luke 9, 51-62


Magkaaway ang Samaritano at ang Hudyo. Mas malapit ang daanan tungo sa Jerusalem kung papasok sa lalawigan ng Samaria. Ngunit iniiwasan ito ng mga Hudyo. Mas gugustuhin nilang kunin ang mahabang landas kaysa maka-enkwentro nito ang kanilang kaaway. Ngunit ang daan tungo Samaria ang tinahak ni Hesus. Isa itong pagpapakita ng pagkakaibigan sa mga taong malayo na sa Jerusalem. Ngunit hindi sila pinapasok. Sa labis na galit, nais ng mga alagad na pawiin ni Hesus ang buong bayan. Hindi pumayag si Hesus.

Marami din tayong hindi makasundo. Sila ang mga taong hindi tayo pinapansin o iniiwasan. Masama na rin ang ating mga hangarin sa kanila. Ngunit, ipinakita ni Hesus na maaaring natin silang bigyan ng puwang. Huwag silang ituring na kaaway ngunit mga kapatid na mamahalin. Mahirap itong gawin, hindi madaling matimpi tulad ng ginawa ni Hesus. Ngunit hindi rin itong imposible; kaya natin itong subukan.

Long Distance na Paggamot?

26 Hunyo 2010. Sabado ng ika-12 Linggo ng Taon
Lam 2, 2-19; Psalm 74; Matthew 8, 5-17

Nakalulugod ang pagturing ng kapitan ng mga Romano sa kanyang katulong. Noong unang panahon, walang halaga ang isang alipin. Walang pakialam ang amo sa kanyang mga naglilingkod sa kanya, tulad sila ng mga bagay. Ngunit iba ang sundalong ito: nalungkot siya sa malubhang kalagayan ng kanyang alipin. Dahil sa kanyang puso at pananampalataya, ginamot ni Hesus ang kanyang mahal na alipin kahit hindi niya ito kilala o nahawakan man lang.

Maraming mga taong malayo sa atin na nagkakasakit o nangangailangan ng kasama sa buhay at hindi natin sila matulungan dahil malayo tayo sa kanila. Kaya tulad ng pinamalas ni Hesus sa atin, maaari nating hilingin ang lunas para sa ating minamahal sa pamamagitan ng ating pananalig sa Kanya at ating mataimtim na dasal.

Paano Ka Ba Humingi ng Tulong sa Diyos?

25 Hunyo 2010. Biyernes ng ika-12 Linggo ng Taon
2 Kings 25: 1-12; Psalm 137; Matthew 8, 1-4

Noong mga panahon, hindi tinatanggap ng lipunan ang isang ketongin sa takot na mahawa. Sa kasalukuyan, nalulunasan na ang sakit na ketong. Ngunit may matutunan tayo sa kuwento ngayong araw. Unang-una, lumapit ang ketongin upang malinis ito. Isang pagpapakita ito ng pagtitiwala kay Hesus: lubusan ang kanyang paniniwalang magagamot siya ni Hesus. Pangalaw, mapagkumbaba ang ketongin sa kanyang pagdulog sa Diyos. Wika niya, “Ginoo, kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” Alam na alam ng isang mapagkumbaba na Diyos lamang ang tangi niyang pag-asa. Buong-buo ang kanyang kalooban na wala nang siyang ibang makakapitan kundi ang Diyos.

Kung humihiling tayo ng tulong sa Diyos, buo ba ang ating pagtitiwala at pananampalatayang papahintulutan ng Maykapal ang ating pangangailangan?

Ang mga "Juan Bautista" sa ating buhay

24 Hunyo 2010. Pagsilang ni San Juan. Huwebes ng ika-12 Linggo ng Taon
Isaiah 49, 1-6; Psalm 139; Acts 13, 22-26; Luke 1: 57-66, 80


May mga taong nangunguna sa atin upang ihanda ang pagdating ng Diyos sa ating buhay tulad ng ginampanan ni San Juan Bautista sa buhay ni Hesus. Sila ang nagpakilala kay Hesus sa atin, tulad ng ating mga magulang at ang mga guro sa katekismo o sa eskuwelahan. Sila rin ang mga nagsilbing gabay na nagsasabi kung tama o mali ang ating ginagawa. Tulad ni San Juan, sila ang nagsisilbing konsyensya natin lalung lalo na kung nawawala tayo sa tamang landas.

Sa iba’t ibang lugar na patron si San Juan Bautista, binabasa nila ng tubig ang mga tao bilang pagpapaalala sa pagbibinyag niya sa Jordan. Ngunit mas makahulugan kung ibabaling natin ang ating tingin sa ating binyag. Inihanda ni San Juan ang mga tao upang magbagong-buhay. Tumiwalag na ba tayo sa ating lumang pagkatao upang maging tulad ni Kristo Hesus?

Paano Mo Malalaman Kung Galing sa Diyos o hindi?

23 Hunyo 2010. Miyerkoles ng ika-12 ng Linggo ng Taon
2 Kings 22, 8-13; 23, 1-3; Psalm 119; Matthew 7, 15-20

Hindi natin laging nakikita kung sa Diyos o sa masamang espiritu ang pinanggalingan ng isang bagay. Ngunit, wika ni Hesus na makikilala natin ang pinagmulan sa pamamagitan ng mga bunga nito. Malalaman natin kung sa Diyos pagnakita natin ang epekto nito sa iba. Kung ano ang pinag-ugatan siya rin ang bunga. Halimbawa, maraming nagpapakita ng kabaitan hindi dahil tunay ang hangaring maglingkod, ngunit dahil nais nitong manalo sa eleksiyon. Ibinubuwis ng tunay na pastol ang kanyang buhay para sa iba; samantalang ang may maruming hangarin nag-aambisyon lamang para sa kanyang sarili kapakanan. Nakikita sa kahuli-hulihan ang tunay na kulay ng isang tao. Kapag mabuti ang ating hangarin, kahit labis ang pinagtitiisan, magbubunga rin ito ng mabuti.

Ang Kasukdul-sukdulan ng Magandang Asal

22 Hunyo 2010. Paulinus Nola. San Juan Fisher. Santo Tomas More. Martes ng ika-12 Linggo ng Taon
2 Kings 19, 9-36; Psalm 48; Matthew 7: 6, 12-14

Ito ang kasukdul-sukdulan ng mabuting-asal: “Gawin niyo sa iba ang gusto ninyong gawin sa inyo.” Gawin natin sa iba ang nais nating gawin nila para sa atin. Kung gagawa tayo ng listahan kung paano tayo tratuhin ng iba, hindi tayo mauubusan. Gusto nating maging mabait sila sa atin at respetuhin nila ang ating pagkatao. Kung tutuusin, maraming puwedeng gawin upang ipakita ang kabaitan. Maraming halimbawa para tuparin ang pagpapakita ng paggalang. Hindi kailanman mauubusan tayo ng magagawa, at patuloy nating gagawin nang kusa. Lagi nating tatanungin, “Paano pa ako makakatulong sa iba?”

Pagdasal natin na hindi tayo mapagod sa pagpapaka-buti sa kapwa, hindi lamang upang maging mabuti sila sa atin kung saka-sakaling malulong tayo sa kahirapan, kundi isang pagsasalamin sa Diyos ang pagiging mabuti ang asal.

Nahusgahan ka na ba?

21 Hunyo 2010. Lunes ng ika-12 Linggo ng Taon
2 Kings 17, 5-18; Psalm 60; Matthew 7, 1-5


Inuutos ni Hesus na huwag tayo humusga sa ating kapwa. Bakit? Unang-una, hindi natin alam ang lahat-lahat ukol sa tao. Laging hindi sapat ang ating pag-unawa sa isang partikular na tao. Hindi natin alam ang bigat ng kanyang dinaraanan o pinapasan. Hindi natin ganap na maiintindihan kung bakit nakabitiw siya ng ganoon mga nakasasakit na salita, o nakagawa ng nakakahiyang bagay. Kahit alam natin ang sitwasyon dahil nadaanan natin ito, hindi lahat ng tao kasinglakas at tatag natin. May mga suliraning madali natin gawin, ngunit hindi madaling lunasan ng iba. Higit sa lahat, naging may bahid ang bawat paghatol natin sa kapwa lalung-lalo sa mga hindi nating kasundo. At sino sa atin ang malinis at ganap upang karapatdapat na humusga ng iba?

Pagdasal natin na hindi mabagsik ang ating mga pag-uugali lalung-lalo na ang pagmamataas na nakikita sa ating paghatol sa iba.

How Authentic Do You Know Jesus?

20 June 2010. 12th Sunday in Ordinary Time
Zech 12:10-11; 13:1; Psalm 63; Gal 3, 26-29; Luke 9, 18-24


We want to know who we are to someone we love. What people say about us is not as important as what people we love regard us.

When Jesus asked His disciples about what other people were saying about him, they said that others say that He was like a comeback artist as John the Baptist, Elijah or a prophet of old. The associations might seem ridiculous to us, but it was a matter of fact to them. Because Jesus followed John at first, He was now associated with John. Because Jesus preached like a great prophet, people thought Elijah, their greatest prophet, was reborn. Because He preached conversion and repentance, some associated Him with an old prophet who admonished the people of the past to return to God.

It is easy to know who we are to some people. But when the question is directed to us, we are led to rethink our relationships. We are moved to reflect at the strength or weakness of what binds us. Our focus is re-directed on the other person; not on ourselves and the effect on the other person to us. By answering a direct question as “Who am I to you” we can identify, clarify and affirm a truth about our relationship: it’s authenticity, depth and intensity. At the end of the day, this truth is essential. Because it involves a basic relationship: You and God. In human relationships, about you and your beloved.

Passing on the faith often began like an imposition. When we were children, prayers were taught and required. Or else, we earned the consternation of our parents. We learned the stories of creation, and the story of Noah and the ark. We knew the story of Moses especially when the Disney movie, Prince of Egypt made it to the big screen. In Catholic high schools, religion was taught as an academic subject; and if you’re running for honors, a low grade in Christian Humanism would affect your over-all performance. It was possible not to graduate because you failed in that class. In other words, faith had been shoved into our throats; not violently. But that was not just the process of faith, it was also the same with all other subjects.

When we reached the age of reason, we began to sieve through these information we learned not just in school but in the university of life. We discerned which matter and which did not. In baptism (especially in infant baptism), our parents and godparents promised to raise us in the matters of faith. They were the ones who promised in lieu of us; until we reached a stage when we decided to own the faith. Confirmation marked that decision. Ownership would require a palpable and personal experience of the Divine, of Jesus who was introduced to us in our early years. Unfortunately many never reached a deeper and more personal knowledge of Jesus apart from what had been passed on.

How do we know who Jesus is? A valuable way of making knowing and love the true person of Jesus is through praying using Scripture. We can also do this by reflecting on the mysteries of the rosary: every mystery is about Jesus, not Mary. It helps when one spends time meditating or contemplating on the life of Jesus, not just praying about our needs or updating Him about what goes on with our lives. Think of a friendship where we are the ones who share, but we never listen to the other person’s thoughts, desires, and stories. How many prayer periods we spend mumbling, and then leave without giving God a chance to say something?

Sometimes we fall in love not to the person of Jesus but the feeling about Him (it is assuring that the Lord is with us); or it is possible to be attracted to God for what He can give or do to us, than for what He is (I love God because He protects me).

It is also possible to be attracted to Jesus for what we read about Him, than for what He really is. We can idealize Him to the point of blindness, so that we just pick up the traits and characteristics that suit ourselves, and close our eyes to others. For example, how many of us turn a blind eye on that characteristic of Jesus who loves His enemies. Or, that trait of His who cares for sinners; it is perfectly fine for Jesus to be associated with them. Case in point for ourselves: Do you want people to know that you are friends with someone of ill-repute? We have always put a value to what people say about us.

The Gospel today therefore is a challenge to know the real Jesus and who He is to us personally. The truth about our relationship with God shows in our relationships and how we regard material things, the world around us, and the global society as well.

Umuunlad ba ang Pagkakilala mo sa Diyos?

20 Hunyo 2010. Ika-12 Linggo ng Taon
Zech 12:10-11; 13:1; Psalm 63; Gal 3, 26-29; Luke 9, 18-24


Umuunlad ang pagkakakilala natin sa Diyos. Tulad ng unang tanong ni Hesus, “Sina raw ako ayon sa sabi ng mga tao?” Nagsisimula ang ating ugnayan sa Diyos bilang isang mana na galing sa ating mga magulang at komunidad. Tinuturo ng ating mga magulang sa atin na ang Diyos ang katakutan kung nakakagawa tayo ng masama. Ang unang karanasan natin sa pag-ibig ng Diyos nangagaling sa ating magulang at kaibigan. Ngunit sa ating kaganapan sa gulang, dumarating ang panahon upang akuin natin ang ating pananampalataya. Hindi na ito ayon sa kung ano ang sinasabi ng mga tao, kundi batay sa ating sariling pagkakilala sa Diyos. Dahil dito, importante ang pangalawang tanong, “Ano naman ang sinasabi niyo kung sino ako?”

Nakasalalay ang paglalim ng ating pananampalataya sa personal na pagkakilala natin kay Kristo. Nagaganap ito sa patuloy na pag-unawa sa Banal na Kasulatan, pagninilay at pagdarasal. Nagbabago na ba ating pagkakilala kay Kristo? Tumitindi ba ang hangaring makilala si Hesus nang lubusan?

Kayamanang Atin, Isang Responsibilidad

19 Hunyo 2010. Sabado ng ika-11 Linggo ng Taon
2 Chronicles 24, 17-25; Psalm 89; Matthew 6, 24-34


Pagmamay-ari ng Panginoon ang lahat ng bagay. Sa kasukdul-sukdulan, walang bagay ang hindi nagmumula at babalik sa Diyos na siyang tunay na nagmamay-ari nito. Kakabit nito, ang tao ang mas mahalaga kaysa anumang bagay. Kung nakakamit sa masamang paraan ang anumang kayamanan, lalung-lalo na ang nakakasira sa kapwa-tao, masama ang ating ari-arian. Sa ebanghelio, sa Diyos lamang nakalaan ang ating puso. Ginagamit lamang ang anumang materyal na bagay para sa kaluwalhatian ng Diyos.

Dahil dito, hindi kasalanan ang pagmamay-ari ng kayamanan, kundi isang malaking responsibilidad. Depende kung paano natin ito ginagamit. Mabuti ang kayamanan kung para sa ating pamilya at tulong para maiahon sa kahirapan ang mga walang-wala. Ibig sabihin, gamitin ang mga ito ayon sa silbing inilaan ng Diyos para sa mga bagay na ito.

Ang Hangarin Mo Ba Pansamantala or Magpakailan man?

18 Hunyo 2010. Biyernes ng ika-11 Linggo ng Taon
2 Kings 11, 1-20; Psalm 132; Matthew 6, 19-23

Kapag bumibili tayo ng gamit, nais nating piliin ang mga matibay at pangmatagalan. Ngunit walang gamit sa buong mundo ang hindi napapawi ng mga elemento tulad ng mga peste, kalawang o ng mga magnanakaw. Inaakala natin na ang ating kasiyahan nakabatay sa magagarang damit na sinisira ng kulisap, o sa mga hungkag na kaligayahan.

Nasa puso natin ang mga bagay na hindi maagnas ng panahon; mga bagay na hindi nagbabago sa paglipas ng mga taon. At dahil dito, patuloy ang ating paglalakbay sa buhay. Kung natagpuan natin ang mga kaligayahan sa mundo, hindi na natin kailangang umunlad. Halimbawa, kung hinahangad natin ang ganap na pag-ibig, hindi tayo titigil sa pagmamahal; kung hinahangad natin ang karunungan, hindi tayo hihinto sa pagbabasa.

Paano Ka Ba Dumudulog sa Diyos?

17 Hunyo 2010. Huwebes ng ika-11 Linggo ng Taon
Sir 48, 1-14; Psalm 97; Matthew 6, 7-15


Nagpaturo manalangin ang mga alagad kay Hesus. At dahil dito, matututo rin tayo ng isang paraan ng panalangin. Hingil na Diyos at sa kaluwalhatian Niya ang unang parte ng Ama Namin. Binibigyan ang Diyos ng higit na importansiya at bago ang lahat nating personal na pangangailangan, itinataas natin ang ating puso’t kaluluwa sa kanya. Higit sa lahat, ang kalooban ng Diyos ang masusunod at hindi ang ating kagustuhan. Pangalawa lamang dito ang ating pang-araw-araw na kahilingan. Kasama nito ang ating ikinabubuhay na sinasagisag ng tinapay; pagpapatawad upang maihain ang sa Diyos ang ating nagdaan; at kaligtasan upang ipapasa-kamay ng Diyos ang ating hinaharap.

Paano ba tayo dumudulog sa Diyos? Ano ang una nating sinasambit sa kanya? Sino ang nais nating manaig: ang ating kalooban o ang Diyos?

Kailan Ka Nagpapakitang-tao at Kailan Ka Totoo?

16 Hunyo 2010. Miyerkoles ng ika-11 Linggo ng Taon
2 Kings 2, 1-14; Psalm 31; Matthew 6: 1-6, 16-18

Mahalaga para sa isang Hudyo ang mabubuting-gawa lalung lalo na ang pagbibigay ng limos sa mga nangangailangan. Mas mahalaga pa ito kaysa anumang alay na inilalagay sa altar ng Panginoon. Ngunit iniingatan na hindi pakitang-tao lamang ang pagpapakabuti. Maaaring gamitin ng madungis na budhi ang isang mabuting gawain upang matamo nito ang isang makasariling hangarin tulad ng mga pagpapakitang-tao ng mga pulitiko na hindi kapakanan ng mamamayan ang tanging hangad kundi ang manatili sa luklukan ng kapangyarihan. Makikita natin ito sa mga larawan sa diyaryo: nagdadasal, nagbibigay ng donasyon, nagpapakitang-gilas kapag malapit na eleksiyon.

Sa ating buhay, may mga kabaitan tayong ginagawa kahit hindi ito totoo. Pagdasal natin na makita natin ang ating mga motibasyon upang lalung maging makatotohanan ang ating buhay.

Paano Ba Natin Mamahalin ang Ating Kaaway?

15 Hunyo 2010. Martes ng ika-11 Linggo ng Taon
1 Kings 21, 17-29; Psalm 51; Matthew 5, 43-48

Agape ang salitang ginamit ni Hesus sa utos niyang mahalin natin ang ating mga kaaway. Ito ang kapangyarihang mahalin ang mga taong hindi natin gusto o mahirap nating mahalin. Hindi kailangan sa agape ang nararamdaman ng puso, tulad ng pagmamahal natin sa ating mga magulang, kaibigan, at kasintahan. Sa agape, kinukusa at sinasadya natin itong pag-ibig. Anumang galit natin sa kanila, hindi natin hinahangad silang mapariwara o mapunta sa masama.

May kailangan tayong gawin upang maipatupad ang utos na mahalin ang ating mga kaaway. Halimbawa, maaari natin silang patuloy na pinagdarasal. Dahil mahirap itong magampanan, kailangan natin ang tulong ng ating Panginoon. Napapawi lamang ang sama ng loob kapag inihahain natin ito sa ating Diyos.

Ang Pagbibigay

14 Hunyo 2010. Lunes ng ika-11 Linggo ng Taon
1 Kings 21, 1-16; Psalm 5; Matthew 5, 38-42


Note: The daily Filipino reflections here also appears in Pandesal 2010, the bible diary of the Claretians. I wrote the April-June 2010 reflections.

Mahalaga sa Hudio ang pagbibigay. Tuwing ikapitong taon, nakaugalian ng mga Hudio ang ipasawalang-bisa ang lahat ng utang. Para sa kanila, hindi dapat tinatanggihan ang taong nangungutang. Darating ang panahon ng paghihikahos at baka tayo naman ang mangutang. Sinasabi ng turo ng mga Hudio na kailangang ang binibigay natin ang batay sa pangangailangan ng tatanggap. Ibig sabihin, hindi basta na lang tayo nagbigay, ngunit kailangang pinag-isipang maigi.

May natatanggap tayong hindi napag-isipan tulad ng mga abubot na walang kuwenta sa isang taong maliit lamang ang silid-tulugan. Kailangan pagisipan ang ating regalo sa ating kapwa; sa gayo’y nakikita ang ating pagkakilala sa kanila.

Forgive, Not Forget

13 June 2010 Eleventh Sunday in Ordinary Time
2 Sam 12, 7-10; Psalm 31; Gal 2, 16-21; Luke 7, 36-50


People say when someone sins against us, we should forgive and forget everything. The readings today says otherwise. We are to forgive, but we are not to forget. Instead, we are not to be enslaved by our past.

In the first reading, Nathan reminds David of his sins against the Lord despite the blessings he received. He said, “Why have you spurned the Lord and done evil in His sight? You have cut down Urriah the Hittite with the sword; you took his wife as your own, and him you killed with the sword of the Ammonites.”

In the Gospel, Jesus lists down the things the Pharisee neglected to do to honor a guest. He said to Simon, “Do you see this woman? When I entered your house, you did not give me water for my feet, but she has bathed them with her tears and wiped them with her hair. You did not give me a kiss, but she has not ceased kissing my feet since the time I entered. You did not anoint my head with oil, but she anointed my feet with ointment.”

On the other hand, everyone one knows the sins of the woman. We know this from the parable Jesus narrated to Simon, the Pharisee.

If we are to judge every single sin we have committed despite the gifts the Lord has given, we are to be ashamed. If we are to dissect every single one of them, any punishment will not be commensurate to the pain we have inflicted. Scripture says, “If you will remember our guilt, O Lord, who can stand?” (Psalm 130, 3). Since David had Urriah killed by the Ammonites, death is the corresponding punishment for murderers and adulterers (Deut 22, 22).

But God’s ways are not our ways. God’s love for us is different from human love. A contrite heart is all He needs to be merciful. David said to Nathan, “I have sinned against the Lord.” And Nathan answered simply, “The Lord on his part has forgiven your sin; you shall not die.”

This is also what Jesus said to the woman, “Your sins are forgiven. Your faith has saved you; go now in peace.”

Why is it that we should not forget the sins, but forgive the sinner?

St. Paul said that no one lives for oneself alone. We need each other in our struggle to be holy. We can do this by performing our prophetic role given to us in baptism. As Nathan and Jesus gave feedback and admonished the sinner, we too are asked to do the same to our neighbors.

Psychology has it that we have blind spots. These are parts of ourselves that we do not know but others see. By marking one by one every single detail of our mistakes, we help in each other’s awareness of these parts of our lives that needs reformation. This is what Jesus did to Simon, the Pharisee. If mistakes are recurring, the more we are to point out to them their sinful patterns. We do this out of concern and love; we are responsible for each other’s formation.

Look what happened to David and the woman. He became the greatest leader of Israel. King Solomon, his son by Urriah’s wife, Bathsheba, built the great Temple of Jerusalem. The woman in the Gospel acquired a new lease on life. And Simon became aware of his neglect.

Therefore, when we forgive, we say that we are not to be enslaved by our hurts and pains of the past. We will not allow them to influence our decisions. We will not allow our love for one another be colored by our sinful histories.

On the other hand, we forgive the friend who has said a snide remark. We give them another chance to change. We say, “I hope in you. I believe that you will change.”

Until when are we going to forgive? Jesus said, “infinity” (Matthew 18,22; seventy times seven is infinity multiplied). Thus, as many times as we go against the will of the Lord, we will be forgiven. As many times as others hurt us, we will give them another chance. As long as we cause others pain, we will also be given an infinite chance to change.

Part of life is to accept this repetition and trust that by continually forgiving and forming others, our relationships will grow, deepen, and maintained.

Patawarin Hindi Kalimutan

13 June 2010 Eleventh Sunday in Ordinary Time
2 Sm 12:7-10, 13; Ps 31; Gal 2:16, 19-21; Lukas 7:36-50


Note: This article appears in Sambuhay missalette today. Sambuhay is a publication of the Society of St. Paul in the Philippines.

Maraming nagsasabi na kapag may nagkakasala sa atin, kailangang patawarin at kalimutan ang lahat. Makikita natin sa ating mga pagbasa ngayong araw na hindi kinakalimutan ang nagawang sala sa pagpapatawad, sa halip hindi tayo nagpapa-alipin sa nakaraan.

Sa unang pagbasa, ipinadala ng Panginoon si Propeta Natan upang pagsabihan si Haring David ukol sa karumaldumal na krimen na ginawa niya kay Urriah, ang asawa ni Bethsheba. Inisa-isa ng propeta ang mga kasalanan niya sa Diyos sa kabila ng mga natanggap nitong biyaya. Wika niya, “Bakit mo pinaglaruan ang salita ng Panginoon at gumawa ka ng labag sa kanyang kalooban? Ipinapatay mo na si Urias, kinuha mo pa ang kanyang asawa. Oo, ipinapatay mo ang Heteong iyon sa mga Ammonita upang makuha mo ang asawa niya.”

Sa Ebanghelio, iniisa-isa rin ni Hesus ang mga bagay na nakaligtaang gawin ni Simon na Pariseo upang mamulat ito sa sarili niyang kasalanan. Wika ni Hesus, “Nakita mo ba ang babaeng ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lang ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa; ngunit binasa niya ng luha ang aking mga paa at pinunasan ng kanyang buhok. Hindi mo ako hinagkan, ngunit siya, mula nang pumasok ay hindi tumitigil ng paghalik sa aking mga paa. Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo, subalit pinahiran niya ng pabango ang aking mga paa.” Ibig sabihin, hindi ipinamalas ng pariseo ang karangalang iginigawad sa isang marangal na panauhin.

Sa kabilang banda, lantad sa buong sambayanan ang kasalanan ng babaeng humihingi ng tawad at hindi na kailangang isa-isahing isulat sa biblia. Sapat na para kay Hesus na makita niya ang dami at bigat ng kanyang kasalanan. Naaaninag natin ito sa talinghagang ikinuwento ni Hesus kay Simon na pariseo.

Kung huhusgahan ang ating bawat kasalanan sa kabila ng mga biyaya ng Diyos, isang malaking kahihiyan ito. At kung uusisain pa ang bawat kasalanan, walang maaaring katumbas ito kundi sari-saring parusa. Ayon sa Kasulatan, “Kung tatandaan mo, O Panginoon, ang mga pagkakasala, sino ang makatatagal?” (Salmo 130:3) Ipinapatay ni Haring David si Urriah sa mga Ammonita, kamatayan din ang parusa sa isang mamamatay-tao at sa nakiki-apid. (Deut 22:22).

Ngunit iba sa tao ang pamamaraan ng Diyos. Iba sa tao ang pagmamahal ng Diyos. Isang pusong nagsisisi ang siyang kailangan lamang upang maawa ang Panginoon sa atin. Isang simpleng pagtanggap sa kasalanan ang hinahangad ng Diyos para sa hari. Sabi ni Haring David kay Natan, “Tunay akong nagkasala sa Panginoon.” Kaya, napakapayak din ang sagot ng propeta: “Kung gayo’y pinatatawad ka na Niya at hindi ka mamamatay.” Ganito din ang ginawa ni Hesus sa babae sa Ebanghelio, “Ipinatawad na ang iyong mga kasalanan. Iniligtas ka ng iyong pananalig; yumaon ka na’t ipanatag na ang iyong kalooban.” Madaling magpatawad ang Panginoon.

Sa gayon, bakit hindi kinakalimutan ang kasalanan sa pagpapatawad? Wika ni San Pablo, walang sinuman sa atin ang nabubuhay para sa sarili lamang. Ibig sabihin, kailangang magtulungan tayo sa pagpapakabanal. At maaaring gawin lamang ito, kung gaganapin natin ang ating pagiging propeta na tinanggap natin sa binyag. Tulad ni Natan at ni Hesus, kailangang pagsabihan natin ang lumalabag sa kagustuhan ng Diyos, at maaari nating gawin ito sa pamamagitan ng pag-aalala sa bawat pangyayari kung saan nasaksihan nating ginagawa ang katuwalian.

Ayon sa sikolohiya, maraming mga bagay na hindi natin nakikita. Tinatawag itong “blind spots” kaya kailangang isa-isahin ito ng ating mga kaibigan upang matulungan tayong mamulat sa ating mga kasalanan. Ito mismo ang ginawa ni Hesus kay Simon. Kapag nakita natin na paulit-ulit ang kamalian, responsibilidad nating pagsabihan ang gumagawa nito. Hindi upang husgahan, tulad ng ginawa ni Simon sa babae; kundi para sa kanilang kabutihan at pagbabago. Isang pagpapakita ito ng pagmamalasakit at pagmamahal. At tunay ngang sa pagmamahal lamang nagbabago ang tao. Naging magaling na mamumuno si Haring David. Si Haring Solomon, ang anak niya kay Bathsheba, ang nagtayo ng Templo ng Jerusalem. Nagkaroon ng panibagong buhay ang babaeng makasalanan, at namulat ang pariseo sa kanyang nakaligtaang gawin.

Sa gayon, kapag pinatatawad natin ang isa’t isa, sinasabi natin na hindi tayo magiging alipin ng nakaraan. Hindi tayo magpapaimpluwensya sa ating sama ng loob sa pakikitungo sa taong nagkasala sa atin. Hindi nating hahayaang makulayan ng ating mga sugat ang ating pagmamahalan. Sa halip na saktan din ang kaibigang nagbitiw ng masakit na salita, lagi nating bibigyan ng panibagong pagkakataon upang magbago ito. Sa pagpapatawad, sinasabi natin sa taong nagkasala sa atin: “Umaasa ako na magbabago ka.”

May hangganan ba ang lahat? Ayon kay Hesus, wala (Mt 18:22). Hangga’t lumalabag tayo sa kagustuhan ng Panginoon, magpapatuloy ang awa ng Diyos. Hangga’t nasasaktan tayo, paulit-ulit tayong magpapatawad. Kasama sa paglago sa buhay ang pagtanggap sa paulit-ulit na ito; at dahil dito, nangangailangan ng pagpapatawad ang lahat ng ating mga ugnayan kung gusto natin itong lumago, tumagal at lumalim.

Gaano Ba Katotoo ang Pagpapasalamat Mo sa Diyos?

13 Hunyo 2010. Ika-11 Linggo ng Taon
2 Sam 12, 7-13; Psalm 32; Gal 2, 16-21; Luke 7, 36-50


Mas malaki ang utang na loob ng isang taong matindi ang nagawang kasalanan kaysa ang taong hindi mabigat ang pagkukulang. Kailangan ito ng paglilinaw: hindi ibig sabihin kailangan nating gumawa ng kahalangan para maramdaman natin ang tindi ng pagmamahal ng Diyos. Pinapahiwatig nito na mali ang akala na ang mga banal at malinis ang nararapat lamang na lumapit sa Diyos. Maraming piniling makasalanan ang Diyos upang maging pinuno ng sambayanang Kristiyano. Isang mamamatay-tao si Dabid, Moises at San Pablo. May lamat ang buhay nina San Agustin at San Ignacio. Ngunit dahil labis ang kanilang pasalamat na pinatawad sila ng Diyos sa kabila ng kanilang nagawang karumaldumal.

Kadalasan hinihintay natin ang panahong ganap na malinis ang ating budhi. Saka na magkakalakas-loob tayong lumapit sa Diyos. Ngunit hindi nagkakatotoo ito; laging nababahiran tayo ng dumi. Pagdasal natin na hindi tayo matatakot na lumapit sa Diyos sa lahat ng oras.

Ang Kalinis-linisang Puso ni Maria

12 Hunyo 2010. Kalinis-linisang Puso ni Maria
1 Kings 19, 19-21; Psalm 16; Luke 2, 41-51


Natural sa isang magulang labis ang pagmamahal sa anak ang mag-alala. Nabagabag si Maria nang malaman niyang wala sa kanyang mga kamag-anak na galing sa Jerusalem si Hesus, kaya kasabay ni Jose, sinuyod nila ang kanilang dinaanan. At tunay ngang naratnan nila si Hesus sa templo, kausap ang mga guro na namangha sa talino at tanong ni Hesus sa kanila. Nang inusisa ni Maria si Hesus, sagot nito: “Hindi ba ninyo alam na dapat nasa bahay ako ng aking Ama?” Iningatan ni Maria ang alaalang ito ng kanyang Anak.

Kahit nangaling sa atin ang ating mga anak, may mga bagay na nasa kamay lamang ng Diyos, tulad ng kanilang kinabukasan. Pinapalaki natin sila upang sa tamang panahon ng paghihiwalay, baon-baon nila ang mga bagay na makakatulong sa kanilang hinaharap. At ang iniingatang yaman na naiiwan ang alaala.

Ang Puso ng Diyos

11 Hunyo 2010. Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Jesus
Ezra 34, 11-16; Psalm 23; Romans 5, 5-11; Luke 15, 3-7


Sa kasaysayan ng mga Judio, ang pastol ang tinaguriang huwaran ng isang pinuno. Hindi madali ang pagpapastol noong mga panahon. Dinadala ng pastol ang mga kawan sa luntiang pastulan. Binabantayan niya ang bawat tupa at huwag hayaaang mawala at matangay ng mga mababangis na hayop. Sinisigurado niyang hindi mahalo ang kanyang kawan sa iba; kaya kilala niya ang bawat tupa at sumusunod naman sa kanyang tinig ang mga inaalagaan niya. Pagmamay-ari ng buong komunidad ang maraming kawan; kaya kung may isang tupang naliligaw, sinusuyod nito ang buong bundok upang hanapin ang nawawala. At kung natagpuan ang tupang naiwanan, nagdiriwang ang buong bayan.

Hinahangad ng kabanal-banalang puso ni Hesus na ibalik sa kawan ang mga nawawalang tupa sa pamamagitan ng Salita ng Diyos at pag-aalay ng buong sarili para sa kawan. Ang pag-aalay na ito ang naging kasukdul-sukdulan na halimbawa ng tunay na pamumuno at masigasig na paglilingkod. Sa kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay, naibalik at naisariwa ni Kristo ang ating ugnayan sa Diyos. Nawawala ka ba? Magpakita sana tayo kay Hesus na naghahanap sa atin.

May Masama Ka Bang Nagiging Ikaw?

10 Hunyo 2010. Huwebes ng ika-10 na Linggo ng Taon
1 Kings 18, 41-46; Psalm 65; Matthew 5, 20-26


Usong-usong kasalanan ang tatlong pag-uugaling lilitisin ng Panginoon: ang mga nagagalit, nanunuya, at nanghihiya sa kanyang kapatid. Madalas itong ginagawa kaya halos nagiging parte na ng ating pagkatao. Nagiging natural na sa atin. Dahil dito, sanay na tayong nagagalit at sanay na rin ang ibang tao sa ating pagiging mabagsik sa gawa at pananalita. Nagiging sanay na rin tayong maging mapagmataas kaya hindi na natin namamalayang minamata na natin ang ating kapwa sa pananalita at pakikitungo sa kanila.

Ngunit pinapaalala ng Panginoon na higit na mahalaga sa Kanya ang pakikipagkasundo sa mga taong may hinanakit sa atin kaysa pagsamba sa altar ng Diyos. Higit na mabisa ang pananariwa muli ng mga ugnayang nabahiran ng sama ng loob kaysa anumang pag-aalay sa altar ng Diyos.

Hindi Magkasing Halaga ang Lahat ng Batas

9 Hunyo 2010. Miyerkoles ng ika-10 ng Linggo ng Taon
1 Kings 18, 20-39; Psalm 16; Matthew 5, 17-19


Hindi lahat ng batas magkasing-halaga. May mga alituntunin na mabisa lamang sa paligsahan. Mayroon ding kautusan para isang samahan o ordenansa para sa isang maliit na lalawigan. May mga kautusang-bayan tulad ng Saligang Batas na sakop ang lahat ng Pilipinas. At may mga batas naman na kinikilala at nirerespeto ng buong sanlibutan tulad karapatang-pantao. Sa ebanghelio ngayong araw, tinutukoy ni Hesus ang Batas na higit sa lahat ng batas: ang kautusang mahalin ang Diyos higit sa lahat, at kaakibat nito ang pagmamahal sa kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Hindi kailanman magbabago itong pinakamahalagang Kautusan ng Diyos.

Sa pagkakataong nagtutungali ang Batas ng Diyos sa pansariling pangarap at pagpapahalaga, alin ang nananaig? Nakakalimutan ba natin na mas higit ang Batas ng pag-ibig kaysa ating mga pinagkakaabalahan?

May Kuwenta Ka ba?

8 Hunyo 2010. Martes ng ika-10 na Linggo ng Taon
1 Kings 17, 7-16; Psalm 121; Matthew 5, 13-16


Walang nagkakagusto sa pagkaing walang lasa. Walang gaganahang kumain sa ulam na walang asin. Nagbibigay ang asin ng sigla sa hapagkainan. At ang nababad sa asin, nananatiling sariwa. Panglawa, walang kuwenta ang lamparang walang ilaw o ang lamparang nakatago na lamang. Hindi nito matatanglawan ang nasa kadiliman.

Nilikha ang ating buhay upang ito’y magamit sa paglilingkod sa kapwa. Maaaring nagbibigay sigla ang ating buhay. Maaari rin itong isang inspirasyong na nagpapakulay sa mundo ng mga nawawalan ng gana at tigang ang diwa. Sa pamamagitan ng ating mga kakayahan at pag-uugali, isinasalamin natin ang pagmamahal ng Diyos. Sa pamamagitan ng ating buhay, nagiging gabay tayo sa mga taong napariwara at naglalakbay pa rin sa dilim.

Anong klaseng daan ang tinatahak mo?

7 Hunyo 2010. Lunes ng ika-10 na Linggo ng Taon
1 Kings 17, 1-6; Psalm 121; Matthew 5, 1-12

Pinapahalagahan ni Hesus ang mga bagay na kinamumuhian ng mundo. Ang pagkakaroon ng diwa ng dukha, ang di-marahas, ang nagugutom sa katarungan, ang maawain at ang may busilak ng puso. Samantalang ang salungat nito ang itinataas ng mundo. Balang-araw luluhod din ang mga tao sa atin dahil higit na maykaya, kilala at makapangyarihan tayo. Sa lahat ng ito, itinataas natin ang ating sarili batay sa kinikilalang higit na mahalaga sa mundo.

Ngunit ang daan sa mapalad na buhay ang siyang daan ni Kristo. Ang hindi mapagmataas ang siyang nagkakaroon ng maraming tunay na kaibigan. Ang mabait, mapagunawa at may respeto sa dangal ng tao ang walang bumabagabag sa kanyang konsensiya. Nananatiling mapayapa ang kanyang puso at diwa.

With Whom do you Break Bread With?


6 June 2010 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ
Gen 14, 18-20; Psalm 110; Cor 11, 23-26; Luke 9, 11-17

Have you ever willingly shared a loaf of bread to someone whom you don’t know, or even liked?

On the contrary, we share freshly-baked pandesal over breakfast at home, and enjoy every piece of it with our family. In between study periods, we take a short time-off and make sandwiches from a loaf of white bread for our friends at the dormitory. In a dinner date, we savor every single moment with our beloved while tearing a large loaf of focaccia bread and dipping it in olive oil and balsamic vinegar. From the humble pandesal to the Italian focaccia, bread has found its way into our most intimate moments when we find ourselves united with the people we love.

It is not an accident that God has chosen the bread as the most eloquent symbol of our existence. The first reading recalls Melchisedech, the King of Salem who brought bread and wine on the altar of the Lord. He was also a priest of God. He said this blessing, “Blessed be Abram by God Most High, creator of heaven and earth” (Gen 14, 18-20).

The first Christians used ordinary bread at Mass, but it was of the best available, marked with a cross or some other symbol of Christ. Around the 9th century, azyme bread (yeast-less) began to be used, recalling the unleavened bread Jesus used at the Last Supper.

During the preparation of the gifts, the priest takes the paten with the bread and says, “Blessed are you, Lord, God of all creation. Through your goodness we have this bread to offer, which earth has given and human hands have made. It will become for us the bread of life.” And we respond, “Blessed be God forever.”

It means that the bread being used symbolizes the union of our work with the earth. It connects the Holy Eucharist with the most humble and intimate activities of our lives. Every loaf of bread tells a story of our labor. It reminds us of the ploughing, sowing, the sweat of the farmer who harvests rice, barley, or corn used as flour for the bread. It calls to mind the making of the dough: the mixing of the ingredients, the kneading and the baking. And thus when we offer bread, we also offer our participation in the sacrifice of Christ.

The same thing with wine. When wine is brought to the altar, the priest adds a little water into it and says, “By the mystery of this water and wine, may we come to share in the divinity of Christ, who humbled himself to share in our humanity.” As water symbolizes the earth, ourselves and our weaknesses, our “little drops of water” mixes with the divine, transforming our little contribution into the sacred. We are then sanctified, as the water is absorbed by the wine and becomes inseparable from it.

The little drops of water tells us that no matter how small our contribution, it doesn’t matter. What matters is how much heart have we given in our contribution. Recall the Gospel. The boy who brought the five loaves of bread and two fish cannot feed the five thousand. Even the apostles said, “it is all we’ve got!” But we know the miracle: indeed it fed the five thousands with leftovers!

In worship, all we ask is a little contribution: to sing, to respond, to participate. Nothing else. We are not obliged to put money into the bag. The Catholic liturgy will not require you or begrudge you, because generosity and willingness are more valuable than requirement and obligation.

But look how selfish we can get: we don’t sing, we don’t respond, we don’t participate. People even leave after communion, especially during community announcements. They leave before the final blessing, the end of the liturgy. What do they say: “I have nothing to do with what activity the community is going to do.” Think a party: they are the people who come to the party to eat, but never to enjoy the company of others or share in the reason for the celebration.

So with the bread transformed into the “bread of life” and the wine is changed into our “spiritual drink” we are all united with Jesus. And thus, when at the altar of the Lord, we share the bread and wine with the whole community, we symbolize a close and intimate relationship with one another. As the family who shared pandesal. As the friends who enjoyed sandwiches from a loaf of white bread. As the lovers who dipped pieces of foccacia into olive oil and balsamic vinegar.

The Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ is about participation. It is holy because it demands the sacrifice of Jesus: whole, entire, active and conscious. It is about the Body and Blood of Christ, because it is also about us, the Church. The closer and more intimate the relationship we have with one another, the more we make the Mystical Body of Christ more real. It is a Solemnity, because it is reason for us to celebrate. Those who come to worship and celebrate are members of the Church of Christ.

May Kabigkis Ka Ba?

6 Hunyo 2010. Katawan at Dugo ni Kristo. Ika-10 Linggo ng Taon
Gen 14, 18-20; 1 Cor 11, 23-26; Lucas 9, 11b-17

May kaugnayan ang nagbabahagi sa isang tinapay sa hapag-kainan. Isang pamilyang magkasalo sa inihandang almusal. Isang barkadang magkasamang naghahati-hati sa pananghalian. Isang magkasintahang nagsasalo sa inorder na pagkain. Magkakaugnay ang nagsasalo-salo sa iisang handaan. At nagbubuklod sa kanila ang pagibig sa isa’t isa o sa taong sanhi ng kanilang pagdiriwang. Dahil dito, isang komunidad ang nagbabahagi ng katawan at dugo ni Kristo sa misa. Magkakapatid tayong lahat dahil iisa lamang ang ating Ama.

Maaaring pagnilayan natin ngayon ang ating mga pag-uugali ukol sa pagbibigkis. May mga ginagawa ba tayong nagiging sanhi ng away at hindi pagkakasundo tulad ng panlilibak, mapagpuna o paninira sa iba? May mga ginagawa na rin ba tayong nakakatulong sa pagpapanday ng komunidad tulad ng pagpapahalaga at pagkilala sa kahusayan ng iba?

Ibubuwis Mo Ba ang Lahat o Titira Ka ng Konti?

5 Hunyo 2010. Sabado ng ika-9 ng Linggo ng Taon
2 Tim 4, 1-8; Psalm 71; Mark 12, 38-44


Sanay tayong isipin na ang mga mayayaman ang siyang maaaring magbigay ng mas higit pa kaysa atin. Malaking donasyon ang maiaabot ng mga maykaya. Natural na isipin na ang mga may sobra ang maaaring pumuno sa walang-laman na sobre. Ngunit, iba ang panananaw ni Hesus: ang walang-wala tulad ng balo ang siyang makakapagbigay na mas higit, dahil ang pinakamahalaga ang ibinubuwis nito. May kakabit na sakripisyo ang pagbubukaspalad. Buong-buo pagbibigay ang hamon ng Panginoon natin.

Kung magpakatotoo tayo sa ating sarili, alam nating hindi lubos at ganap ang ating pagbibigay ng sarili sa anumang tao or sa Diyos. Madalas sinasabi na kailangang tumira ng kahit konti para sa sarili sa pagmamahal; kung sakasakaling masaktan, may natira pang para sa atin. Anong bahagi ng ating buhay ang hindi pa handang ganap na ibuwis?

Nagbabago ba ang Pagkakilala Mo sa Diyos?

4 Hunyo 2010. Biyernes ng ika-9 ng Linggo ng Taon
2 Tim 3, 10-17; Psalm 119; Mark 12, 35-37


Hinihimok tayo ng Panginoong baguhin ang ating pagkakilala sa Kanya. Isa itong palatandaan ng pagtubo sa ating pananampalataya. Tinatawag ang Mesias bilang Anak ni David: naniniwala silang ang Mesias ang magliligtas sa kanila sa kamay ng mga Romano at itatayo nito ang kaharian ni Haring David. Ngunit, tinawag din si Hesus bilang “Lord” na ginagamit lamang upang itukoy si Yahweh. May paniniwala na ang Mesias ang siya ring magpapanauli sa ating ugnayan sa Panginoon.

Maaring magbago ang pagkakilala natin sa Panginoon sa habang panahon ng pagdarasal at pagninilay. Nakikita ito sa pagtawag natin sa kanya. Sa pagkabata, tinuturing natin Siyang magulang: natatakot tayong parusahan. Sa pagbibinata o pagdadalaga, nagiging kaibigan si Hesus, kaya Kuya Jess, ang tawag natin. Tulad ng lumalago at lumalalim na pagkakaibigan, nagbabago ang pagkilala natin sa Diyos.

Ang una sa lahat ng utos ng Diyos

3 Hunyo 2010. Huwebes ng ika-9 ng Linggo ng Taon
2 Tim 2, 8-15; Psalm 25; Mark 12, 28-34

Ang pagmamahal sa Diyos ang una sa lahat ng utos; pangalawa lamang ang pagmamahal sa ating kapwa. Bunga ng matinding karanasan ng pag-ibig ng Diyos sa ating buhay ang pagbabahagi nito sa ating kapwa. Dahil dito, hindi lahat ng mga taong mahal ang kapwa ang tunay na nagmamahal sa Diyos. Halimbawa, maraming hindi naniniwala sa Diyos ang may malasakit sa mga mahihirap. Nakikita nila ang halaga ng pag-aaruga sa kalikasan. Ngunit hindi nila pinahahalagahan ang gawaing espiritual tulad ng pagsisimba, pagninilay sa Banal na Kasulatan, o pakikiisa sa sambayanang Kristiyano sa pagsamba.

Sa kabilang banda, nagkakaroon ng puwang ang buhay-espiritual sa mga taong malalim ang pagmamahal sa Diyos. Sinisimulan at tinatapos nila ng panalangin ang kanilang araw. Hindi nila kinakaligtaan ang pagdalaw sa simbahan.

How to Answer a Tricky Question

2 Hunyo 2010 San Marcelino at San Pedro. Miyerkoles ng ika-9 na Linggo ng Taon
2 Tim 1, 1-12; Psalm 123; Mark 12, 18-27


There are ways to face a tricky question. Jesus has a way.

First, explain the how. In the Gospel, Jesus explains to the Sadducees who do not believe in the resurrection of the dead that in the after life, the laws of our mortal lives do not apply.

The Sadducees have a different belief system than the Pharisees. The Sadducees believed the Pentateuch (the first 5 books of the Old Testament) and looks down on all other teachings like that of the prophets which the Pharisees hold dear. So to the Sadducees, there is no evidence in the Pentateuch that there is a resurrection.

So Jesus said, as we also believe, that after this mortal life, our relationship with each other is as brothers and sisters, as children of God. Thus, our parents and grandparents and our ancestors will be our brothers and sisters. Likewise, those who have been married will not anymore be like husband and wife.

There is what we call a levirate marriage in Deuteronomy 25, 5-10. It says that if a group of brothers live together and one of them died without an heir or children, the next brother marries the wife of the brother who passed away, until a child is born. The child will be considered the offspring of the original husband. The law ensures that the family name continued and the property remains within the family. Note that this law is not just exclusive of Jewish law. Greek law also has a similar case. The purpose of this law is the same.

Second, explain the what. Jesus tackles the fact of the resurrection and proves it using their own ground. The Old Testament says that Yahweh is the God of Abraham, Isaac and Jacob (Exodus 3,6).

If God is the God of the living, then he is the God of those who are at present actually living. He cannot be the God of the dead.

So, if God is the God of Abraham, Isaac and Jacob, the patriarchs who have passed away, then they just “passed on” from this life to the next, without vanishing from existence. They are indeed alive as God has said in the Pentateuch which the Sadducees held in high esteem.

In tackling tricky questions, we are to face them headlong. The what and the how, explained clearly, using the grounds of our opponent is a good rule to follow in our practical lives.

Naniniwala Ka Ba sa Kabilang Buhay?

2 Hunyo 2010 San Marcelino at San Pedro. Miyerkoles ng ika-9 na Linggo ng Taon
2 Tim 1, 1-12; Psalm 123; Mark 12, 18-27

Ano ang ating ugnayan sa kabilang-buhay? Wika ni Hesus: “Sa muling pagkabuhay, hindi na mag-aasawa ang lalaki o babae kundi para na silang mga anghel sa langit.” Ibig sabihin, magiging magkapatid at magkaibigan ang dati nating magulang, nakakatanda at ninuno. Hindi na tayo sakop ng panahon. Magbibigkis sa ating ugnayan ang pagmamahal sa isa’t isa, sa ilalim ng walang-hanggang pag-ibig ng Diyos. Dahil iisa lamang ang hantungan ng ating buhay: na makasama natin muli ang ating mga minamahal na yumao na.

Pinahahalagahan ng paniniwala sa kabilang-buhay ang ginagawa natin sa kasalukuyan bilang paghahanda sa kinabukasan. Dahil sa paniniwalang ito, nagkakaroon ng kahulugan at hantungan ang ating buhay. Higit sa lahat, hindi natin isasantabi ang ating pag-asa at pangarap na magkaroon ng matuwid na buhay.

Para sa Bayan; Para sa Diyos

1 Hunyo 2010 Justino. Martes ng ika-9 ng Linggo ng Taon
2 Pt 3, 12-18; Psalm 90; Mark 12, 13-17

Tulad ng denarius na ginamit ng mga taong nasasakop ng Roma, sinasagisag ng salaping Pilipino ang ating bansa. Dahil dito, sinusunod ng mabuting mamamayan ang batas ng bayan. Sa pamamagitan ng mga batas, nagkakaroon ng ayos ang ating lipunan, at nakikinabang tayo sa mga dulot ng kaayusang ito tulad ng seguridad at mapayapang pamumuhay. Dahil nakapirma sa ating salapi ang ating Pangulo, isinasaalang-alang nating mga Kristiyano ang ating mga obligasyon sa ating bansa bilang sukli sa mabuting pamumuhay.

Ngunit mahalaga ang bawat mamayan sa mata ng Diyos. Hinubog tayo na Kanyang kawangis. Higit na mataas pa sa batas ang bawat mamamayan, kaya may mga karapatang hindi maaaring ipagkait o abusuhin kahit mataas ang kanyang tungkulin sa pamahalaan. Hinuhubog ng ating pananampalataya ang bawat isa na maging tunay na mamamayang maka-Diyos at bayan.